Karnaper dedo sa shootout

NUEVA ECIJA, Philippines  – Napatay ang isa sa karnaper na miyembro ng Edwin Yamson Group matapos mapatay sa pakikipagbarilan laban sa mga operatiba ng pulisya sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay San Roque sa bayan ng San Leonardo, Nueva Ecija, kamakalawa ng tanghali. Sa ulat ni P/Senior Supt.Walter Castillejos, nabatid na natiyempuhan ng arresting team ng pulisya ang suspek na si Samuel Palacio na lulan ng traysikel. Nakatunog naman si Palacio na sinusundan siya ng mga operatiba hanggang sa maganap ang bakbakan. Si Palacio ay may nakabinbing warrant of arrest na inisyu ni Judge Celso O. Baguio ng Gapan City Regional Trial Court Branch 35.

Show comments