Salvage victim nabuhay

CAVITE, Philippines  – Himalang nabuhay ang isang negosyanteng Muslim makaraang i-salvage umano ito ng anim na kala­lakihan matapos puwersahang tangayin at pagbabarilin sa kahabaan ng Governors Drive Brgy. Mabuhay, Carmona ng lalawigang ito.

Ayon kay Cavite Provincial Police Office (PPO) Spokesman P/Supt Jerry Protacio, kinilala ang biktima na si Jelel Sandab, 27 anyos , vendor ng mga hikaw at iba pa, Muslim, tubong General Santos City at residente ng #348 Gunao St., Quiapo, Manila.

Nakatakas naman ang mga suspek, isa rito ay nakilala lamang sa alyas na Jamel ng Quiapo, Manila na pinaghahanap na ng mga awtoridad.

Sa salaysay ng biktima, puwersahang umano siyang isinakay ng mga suspek sa behikulo ng mga ito at dinala sa Carmona, Cavite kung saan ito niratrat gamit ang hindi pa mabatid na kalibre ng mga baril sa isang bakanteng lote sa lugar. Iniimbestigahan pa ang kasong ito.

Show comments