BULACAN, Philippines — Napariwara ang kinabukasan ng 15-anyos na dalagita matapos gahasain ng kanyang ka-textmate na lalaki sa loob ng barracks sa Brgy. Gaya-Gaya sa San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Luhaang dumulog sa pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Sweet kasama ang kanyang ina upang ireklamo ang suspek na si Emanuelle Domondon, 25, tubong Alaminos, Pangasinan at nakatira sa Pangarap Village, Brgy. Tala sa Caloocan City. Lumilitaw na nag-text ang suspek sa biktima upang imbitahin ito na kumain sa loob ng kaniyang barracks na nasa loob ng ginagawang gusali. Pinaunlakan naman ng biktima ang patutsada ng suspek dahil sa magka-textmate naman sila. Dito na isinagawa ng suspek ang maitim na balak laban sa biktima.