^

Probinsiya

41 mag-aaral nalason

- The Philippine Star

CEBU CITY, Philippines – Umaabot sa 41 mag-aaral mula sa Totolan Elementary School sa bayan ng Dauis sa Panglao island ang nalason matapos kumain ng jatropha seeds (tuba-tuba) noong Biyernes.

Kabilang sa mga nalason sa tuba-tuba na karamihan na Badjao ay 23 lalaki at 13 batang babae na pawang Grades 1 at ­4 kung saan nagreklamo ­na sumakit ang tiyan at nagsuka sa loob ng klasrum.

Nabatid na nagkatuwaan ang mga biktima na manguha ng bunga ng jetropha sa likuran ng eskuwelahan.

Nang bumalik sa klasrum ay napansin ng ilang guro na namimilipit sa sakit ng tiyan at nagsusuka ang mga mag-aaral na kumain ng tuba-tuba.

Dito na humingi sa kinauukulang ahensya ng lokal na pamahalaan na dalhin sa Governor Ce­lestino Gallares Memorial Hospital sa Tagbilaran City ang mga biktima.

Kinagabihan, limang iba pa ang isinugod sa Gallares Hospital. Freeman News Service

vuukle comment

BADJAO

BIYERNES

DAUIS

DITO

FREEMAN NEWS SERVICE

GALLARES HOSPITAL

GALLARES MEMORIAL HOSPITAL

GOVERNOR CE

TAGBILARAN CITY

TOTOLAN ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with