Amok sa lamayan: 2 patay, 7 sugatan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na napatay habang pitong iba pa ang nasugatan matapos mag-amok ang 22-anyos na lalaki sa lamayan sa Sitio Katibyog, Barangay Canares sa bayan ng Batuan, Masbate kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napatay na lola na si Neria Alicio, 78, habang napatay naman ang nag-amok na si Nemie Capellan na sinasabing nasiraan ng bait. Naisugod naman sa Ticao District Hospital ang mga sugatang sina Benjamin Gelit, 53; Sergio Calolot, 46; Rodita Alco, 55; Donalyn Antoni, 48; at tatlo pang iba. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na nakikipaglamay ang mga biktima sa yumaong si Lordes Gelit nang pagtatagain ni Alicio sa hindi nabatid na dahilan. Gayon pa man, pinagtulungan ding pagtatagain hanggang sa mapatay ng mga residenteng nakiramay din sa burol ni Gelit ang nag-amok na lalaki.

Show comments