^

Probinsiya

Mister nag-amok: 4 kapamilya inutas

- Joy Cantos - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Apat katao ang kumpirmadong nasawi kabilang ang dalawang batang babae, habang dalawa pa ang malubhang nasugatan makaraang pagtatagain nang nag-amok na mister na may diprensya sa pag-iisip sa Brgy. San Pedro, Roxas, Isabela kamakalawa.

Kinilala ni Isabela Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Franklin Mabanag ang mga nasawing biktima na sina Monica Rarama, 58; Flora Ucol, 60 at ang dalawang 3-anyos na magpinsang bata na si Ariane Mae Rarama at Valerie Rarama.

Ang mga ito ay pawang nagtamo ng mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siyang dagliang kumitil sa kanilang buhay.

Isinugod naman sa pagamutan ang mga sugatang sina Alexander Rarama, 50 at Jason Macni, 4, anak ng nag-amok na suspek na si Jonar Macni, 37.

Arestado naman ng mga nagrespondeng opisyal ng pulisya at ng barangay ang suspek na si Jonar.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Mabanag na naganap ang insidente sa Brgy. San Pedro, Roxas, Isabela dakong alas-12:30 ng tanghali.

Bigla na lamang umanong sinumpong ang nasabing mister na matapos hagilapin ang mahaba at bagong hasang itak ay agad na pinagtataga ang biyenang si Monica, isinunod ang mga pamangkin saka iba pang mga biktima na kapamilya nito kabilang ang kaniyang anak na lalaki.

Sinasabing dumaranas ng mental illness ang suspek dahilan sa sobrang depresyon sa problema sa kahirapan.

ALEXANDER RARAMA

ARIANE MAE RARAMA

BRGY

DIRECTOR P

FLORA UCOL

FRANKLIN MABANAG

ISABELA

ISABELA PROVINCIAL POLICE OFFICE

JASON MACNI

SAN PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with