Rookie cop pinabulagta

MANILA, Philippines - Nagwakas ang serbisyo publiko ng bagitong pulis matapos pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan na magkakaangkas sa motorsiklo sa naganap na pananambang sa Barangay Tetuan, Zamboanga City kahapon. Napuruhan sa ulo ang biktimang si PO1 Ashri Narudin, nakatalaga sa Basilan Provincial Police Office. Sa ulat ng Zamboanga City PNP na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pana­nambang dakong alas-11 ng tanghali sa kahabaan ng Don Alfaro Street sa Barangay Tetuan. Ayon sa imbestigasyon, ang biktima at ang misis nito ay sakay ng pampasaherong jeepney patungo sa kalunsuran  nang pagbabarilin ng dalawang backrider ng motorsiklo. Lumilitaw na natyempuhan ng gunmen na huminto ang jeepney dahil sa trapiko saka isinagawa ang mamamaslang.

Show comments