Nene ni-rape ng lolo

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 75-anyos na lolo matapos arestuhin ng pulisya sa kasong panghahalay sa 11-anyos na nene sa Barangay Dampol 2nd B sa bayan ng Pulilan, Bulacan kahapon. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Lolo Ruferto “Ka Pentong” De Jesus matapos ireklamo ng Grader 3 pupil na sinasabing biktima ng panghahalay ng matanda sa loob ng kanilang bahay. Positibo ring itinuro ng testigong si alyas Lily na naaktuhan niya ang suspek na humalay sa biktima bandang ala-una ng hapon sa nasabing lugar.

Show comments