4 tinedyer tiklo sa hazing

KIDAPAWAN CITY, Philippines  – Kalaboso ang binagsakan ng apat na tinedyer matapos ireklamo ng isang estud­yante na kanilang pinagtulungang gulpihin sa ginanap na hazing sa Kidapawan City may dalawang taon na ang nakalipas. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rogelio Naresma ng Kidapawan City Regional Trial Court Branch 17, naaresto ang mga suspek na sina Juniel Jose, 18; Archie Campana, 19; at Aries Pagal, 18, pawang nakatira sa Kidapawan City; at si Kurt Lumbao, 19, ng Kabacan, North Cotabato. Ayon kay P/Senior Insp. Sunny Leoncito, hepe ng Anti-Vice and Investigation Division ng Kidapawan City PNP, ang mga suspek na inireklamo noong Agosto 2010 ay lumabag sa ilalim ng batas na Anti-Hazing Law.

Show comments