Tirador ng kable utas sa shootout

MARILAO, Bulacan, Philippines  – Napaslang sa shootout ang isang hinihinalang notoryus na tirador ng kable makaraang lumaban ito sa mga nagrerespondeng kagawad ng pulisya sa isang bayang ito kahapon ng umaga.

Idineklarang dead-onarrival sa pagamutan ang suspek na si Argie Boter, may nakabimbing warrant of arrest sa kasong robbery.

Sa ulat ni P/Supt.Gerardo Andaya dakong alas-12:05 ng hapon ng masabat ng mga nagroronda niyang tauhan ang suspek na inireport ng mga residente na nagna­nakaw ng kable ng kuryente ng Meralco sub-station sa naturang lugar.

Agad na nagresponde ang mga pulis pero sa halip na sumuko ay nanlaban ang suspek na nagresulta sa shootout na siya nitong ikinamatay. Narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang isang cal. 38 revolver at mga ninakaw na kable.

Show comments