Magkaibigan patay sa bike crash

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa magkaibigang lango sa alak matapos sumalpok ang kanilang motorsiklo sa bakal na rai­ling ng kalsadang sakop ng Barangay Banao sa bayan ng Placer, Masbate kamakalawa ng gabi. Nakilala ang dalawa na sina Gapang Reyes, 30; at Nolie Omepig, 38, kapwa nakatira sa Barangay Quezon sa bayan ng Cataingan, Masbate. Bago naganap ang trahedya ay nakipag-inuman ang dalawa sa kanilang kaibigan kung saan umuwing magkaangkas sa motorsiklo. Pagsapit sa kurbadang kalsada ay nawalan ito ng control kaya sumalpok sa railing at tumilapon mula sa motorsiklo ang magkaibigan.

Show comments