7-anyos dedo sa pamamaril

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - Isang 7-anyos na totoy ang iniulat na nasawi habang malubha naman ang ina nito matapos pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki ang bahay ng mag-ina sa Barangay Curbada sa bayan ng Cataingan, Masbate kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Cataingan District Hospital si Jonel Monleon Escala habang sugatan naman ang ina na si Mary Joy Escala, 36. Samantala, nakaligtas naman ang lolo na si Perfecto Escala, 66. Lumilitaw na natutulog ang mga biktima nang pagbabarilin ang kanilang bahay bandang alas-9:30 ng gabi.

Show comments