^

Probinsiya

Mister pinugutan ng mag-utol na senglot

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Karumal-dumal na ka­matayan ang sinapit ng 43-anyos na mister matapos itong pagtatagain ay pinugutan pa ng magkapatid na kaaway nito sa inuman sa Barangay Capyoan sa bayan ng Argao, Cebu noong Biyernes ng hapon.

Sa ulat ng Cebu PNP na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang nasawing biktima na si Carlito Nazara na natagpuan ang ulo may sampung metro ang layo mula sa katawan nito.

Nasa kritikal namang kalagayan ang ka-live-in nitong si Sylvia Camajalan, 43 na tinaga sa leeg at likurang bahagi ng katawan matapos na tangkaing pigilan ang mga suspek.

Pinasok ng magka­patid na sina Antonio Solis Jr, 48; at Emilio Solis, 42, ang bahay ng biktima matapos itong mag-inuman.

Armado ng matalim na karit at bagong hasang ita­k ay pinagtulungan ng magkapatid na pagtatagain ang biktima na tinangkang pigilan naman ni Camajalan kaya tinaga rin ito.

Bagama’t nakatalon sa bintana ang mister ay hinabol pa ito ng mga suspek kung saan nasukol sa bisinidad ng bahay ng barangay chairman ay muli itong pinagtataga at pinugutan.

Sumuko naman sa konsehal ng barangay ang magkapatid na suspek bago dinala sa pulisya kung saan inaming inunahan lamang nila ang biktima matapos silang pagbantaan dahil sa matagal nang alitan.

vuukle comment

ANTONIO SOLIS JR

ARGAO

ARMADO

BAGAMA

BARANGAY CAPYOAN

CAMP CRAME

CARLITO NAZARA

CEBU

EMILIO SOLIS

SYLVIA CAMAJALAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with