Obrero utas sa kidlat
QUEZON ,Philippines – Natusta ang buong katawan at namatay ang 48-anyos na obrero habang apat na iba pa ang nasugatan matapos na tamaan ng kidlat kamakalawa ng umaga sa Barangay Mangalang 1 sa bayan ng Sariaya, Quezon. Kinilala ng pulisya ang namatay na si Primo de Castro, may-asawa at residente ng nasabing lugar habang ginagamot naman sa Greg Hospital sina Gregori Macatangay, 28; Ariel de Castro, 26; Aldrich Manigbas, 30; at si Maelon Baldovino. Ayon kay SPO1 Noriel Banaag, dakong alas-6-30 ng umaga ay naglalakad ang mga biktima nang abutan ng malakas na buhos ng ulan. Sumilong ang mga ito sa kubo subalit minalas na tamaan ng matalim na kidlat.
- Latest
- Trending