2 tinodas sa Cavite

CAVITE , Philippines  – Dalawa-katao ang iniulat na napatay sa naganap na panibagong magkahiwalay na karahasan sa lalawigan ng Cavite kamakalawa. Si John Santiaquel, 34, ay sinumpak ng kanyang ka-tong-its sa Barangay 54-M sa San Roque, Cavite City, Cavite. Sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Rolando Hibananda Empamano, 45. Samantala, si Engr. Edgardo San Pedro, 43, ng Barangay Mabuhay ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem sa bahagi ng San Jose Street, Barangay 3 sa bayan ng Carmona, Cavite. Ayon kay SPO4 Zacarias Balleber Jr., si San Pedro na lulan ng sasak­yang Hyundai (PGQ 890) nang ratratin sa tapat sa tindahan ng mineral water.

Show comments