^

Probinsiya

Shootout sa bikini open event: 4 patay

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Apat katao ang nasawi habang apat pa ang grabeng nasugatan makaraang mauwi sa trahedya nang magbarilan ang grupo ng isang pulis at Brgy. Chairman sa isang beauty pageant bikini open event sa Jaro District, Iloilo City kahapon ng madaling araw.

 Kinilala ni Iloilo City Police Director P/Sr. Supt. Marietto Valerio Jr., ang mga nasawing biktima na sina Brgy. Tacas Brgy. Chairman Rolando Tabuada, 41 anyos; PO3 Je­rome Jaculina, 38 anyos ng Jaro Municipal Police Station (MPS), pinsan nitong si Remy Jaculina, 29 at Avelino Savidalas, 54, bystander; pawang dead on arrival sa Benito and Mission Hospital.

 Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga sugatang sina Rio Jaculina, Richard Jaculina, bystander na si Sonia Apostol at Archie Degoma Sr., pinagkakatiwalaang tauhan ni Brgy. Chairman Tabuada.

 Sa imbestigasyon, sinabi ni Valerio na naganap ang insidente sa ginaganap na Search for Summer Babe 2012 bikini open event sa covered court para sa kapiyestahan ng Brgy. Tacas, Jaro District ng lungsod bandang alas- 12:10 ng madaling araw.

 Ayon sa opisyal, nagtu­ngo sa lugar ang grupo ni PO3 Jaculina para manood ng nasabing bikini open event, isang fund raising project ng naturang barangay kung saan nagreklamo ito dahil masyado umanong mahal ang P3,000.00 na sinisingil sa kanila para sa nainom nilang beer, red horse ga­yundin ang pulutan at iba pang pagkain.

 Nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ng grupo ng nasabing pulis at ni Tabuada na sa galit ng nagwawalang si Remy, pinsan ni PO3 Jaculina ay nagbunot ito ng baril at nakipagpambuno naman dito ang opisyal. Isang putok ang umalingawngaw na sumapul sa kaliwang dibdib ni Tabuada at nagpanakbuhan ang mga taong nanonood sa bikini open event matapos na mauwi sa barilan ang dalawang grupo.

 Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang 32 basyo ng bala ng cal. 45 pistol, 39 basyo ng bala ng cal. 9 MM, 2 basyo ng bala ng cal. 38 pistol at 13 pang nadepormang slugs ng naturang mga armas.  

ARCHIE DEGOMA SR.

AVELINO SAVIDALAS

BENITO AND MISSION HOSPITAL

BRGY

CHAIRMAN ROLANDO TABUADA

CHAIRMAN TABUADA

ILOILO CITY

JACULINA

JARO DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with