Manugang inutas ng biyanan

NUECA ECIJA, Philippines – Napatay ang 33-anyos na mister matapos saksakin ng kanyang biyanang lalaki sa Barangay San Roque sa bayan ng San Isidro, Nueva Ecija, kamaka lawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Remigio Garrido, 33, ng Barangay San Roque. Samantala, nakilala naman ang suspek na si Zoilo Gabriel, 51, kapwa magsasaka sa nabanggit na barangay.Nabatid sa imbestigasyon na pauwi na ang biktima at misis nitong si Juliet Garrido nang harangin ng biyanan na sinasabing lango sa alak. Kinumpronta ng suspek ang mag-asawa sa hindi nabatid na dahilan kung saan nauwi sa pananaksak sa biktima. Naisugod pa sa Cabiao General Hospital ang biktima subalit idineklarang patay. 

Show comments