Bumbay dedo sa holdaper

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Niratrat at napatay ng dalawang di-kilalang lalaki ang 34 anyos na Bumbay na nagpapautang sa Barangay Gumbauan, Echague, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Chief Insp. Rogelio Taliping, hepe ng pulisya ng Echague ang biktima na si Ranjit Singh ng Barangay Victory Norte sa Santiago City. Matapos mapatay ay itinakas ng mga ito ang malaking halaga ng koleksiyon at motorsiklo ng biktima. Ayon kay Taliping, malamang na nanlaban ang Bumbay kaya inutas ng holdaper.

Show comments