Reporter utas sa tandem
MANILA, Philippines - Isa na namang driver/reporter ng Bombo Radyo ang iniulat na napaslang makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa harapan ng South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City kahapon ng umaga.
Apat na tama ng bala sa leeg na naglagos sa spinal column ang tumapos sa buhay ni Romel “Jojo” Palma, 31.
Sa pahayag sa Tacurong City PNP ni Herminio Legaspi, manager ng dxMC Bombo Radyo-Koronadal, kahahatid lamang ni Palma sa kanilang reporter na si Rey Legario at ipaparada ang kanilang sasakyan sa parking area sa Aguinaldo Street sa harap ng nasabing ospital nang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril mula sa riding-in-tandem.
Ayon sa Bombo Radyo, driver ang trabaho ni Palma sa kanilang himpilan pero nag-uulat ito ng lagay ng panahon at sitwasyon ng trapiko kaya maikokonsiderang reporter din ang biktima.
Sa ulat ni P/Senior Supt. Michael Lebanan, kapapasok lamang ng reporter na si Legario sa emergency room ng ospital nang mapatakbo ito palabas ng mabatid na ang kanilang patrol vehicle ang pinagbabaril at ang kanilang driver ang pinuntirya.
Bagaman binaril ng mga guwardiya sa hospital ang rinding-in-tandem ay nabigong tamaan ito.
“ We are now pursuing some leads on the case, the initial motive is land conflict and we also invited some witness to shed light on the incident,” ani Lebanan. (with trainees Aira Maria Aguilar at Love Mayores)
- Latest
- Trending