2 NPA bulagta sa bakbakan

QUEZON, Philippines - Isang linggo na ang nakalilipas nang masawi ang apat na rebeldeng New People’s Army laban sa tropa ng militar, muli na namang nalagasan ng dalawang rebelde sa panibagong engkwentro na naganap kahapon ng umaga sa Sitio Delmark, Barangay Sta. Catalina sa bayan ng Lopez, Quezon. Kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay na NPA. Sa inisyal na ulat, dakong alas-7:50 ng umaga habang  nasa security combat operation ang tropa ng Army’s 85th Infantry Battalion sa pamumuno ni 2Lt Blancada nang masabat ang grupo ng mga rebelde na sinasabing nangangalap ng revolutionary tax sa mga residente. Tumagal ng ilang minuto ang bakbakan hanggang sa umatras ang mga rebelde kung saan narekober sa encounter site ng militar ang dalawang armalite rifle at mga subersibong dokumento.

Show comments