4-anyos utas sa atake ng NPA

MANILA, Philippines - Patay ang 4-anyos na batang lalaki makaraang ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army ang komunidad sa liblib na lugar sa bayan ng Las Navas, Northern Samar noong Biyernes.

Sa phone interview, kinilala ni Army’s 8th Infantry Division spokesman Lt. Col. Niceforo Diaz ang nasawing biktima na si John Lloyd Elizalde.

Bandang alas- 8:30 ng umaga nang lusubin ng mga rebelde ang mga kabahayan sa Barangay Taylor sa nasabing bayan.

Napag-alamang nagalit ang mga rebelde sa mga residente na dahil sa hirap ng buhay ay tumatangging magbigay ng revolutionary tax gayundin ng mga pagkain sa mga na­ngingikil na NPA.

Nagkataon namang naglalaro sa loob ng bahay ang bata kaya nahagip ng bala ng baril.

Samantala, napilitan namang magsitakas ang mga rebelde matapos mamataan ang presensya ng tropa ng Army’s 63rd Infantry Battalion na rumesponde sa narinig na putukan sa naturang barangay na nasa kabilang ilog.

Show comments