^

Probinsiya

Lineman ng Cotelco pinabulagta

- Ni Malu Manar -

KABACAN, North Cotabato, Philippines - Napatay ang 40-anyos na lineman ng Cotelco matapos na saksakin ng may-ari ng bahay na kanyang kinakabitan ng linya ng kuryente sa Barangay Kadatuan sa Bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Eduardo Gerodias ng General Santos City. Ayon sa police report, kinukumpuni ng biktima ang linya ng kuryente sa isang bahay sa nabanggit na barangay nang lapitan at saksakin ng may-ari. Nagtalo raw muna ang dalawa bago kinuha ng di-kilalang suspect ang kutsilyo at sinaksak sa dibdib ang biktima. Si Gerodias ang ikalawang trabahante ng Cotelco na napatay sa bayan ng Kabacan sa loob lamang ng isang linggo kung saan unang binaril at napatay naman ang sekyu ng Cotelco sa Barangay Aringay.

vuukle comment

AYON

BARANGAY ARINGAY

BARANGAY KADATUAN

BAYAN

COTELCO

EDUARDO GERODIAS

GENERAL SANTOS CITY

KABACAN

NORTH COTABATO

SI GERODIAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with