2 holdaper utas sa shootout

CAVITE, Philippines - Napaslang ang dalawang notoryus na holdaper matapos na makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya ilang minuto matapos agawin ang bag ng isang dalaga sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite kahapon ng madaling araw.

Gayon pa man, kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga nasa­wing holdaper.

Batay sa ulat, naganap ang insidente sa bisinidad ng Barangay Pulido dakong alauna y medya ng madaling araw.

Lumilitaw na hinablot ng mga suspek ang bag ng biktimang si Arcely Batiles na naglalaman ng P 10,000 cash at iba pang mahahalagang dokumento.

Matapos ito ay mabilis na nagsitakas ang dalawa habang nagsisigaw naman ang biktima sa paghingi ng tulong kung saan natiyempuhan namang paparating ang mga nagpapatrulyang miyembro ng Police Investigative Branch (PIB) ng Cavite PNP.

Agad hinabol ng pulisya ang dalawang nakamotorsiklo pero sa kabila ng pagbibigay ng warning shot ay tuma­ng­­­­ging sumuko kung saan pinaputukan ang arresting team na nauwi sa shootout.

Show comments