^

Probinsiya

Planta ng solon hinoldap; sekyu todas

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Patay ang isang guwardiya habang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng anim na mga armadong kalalakihan na nangholdap sa dressed chicken plant ni Misamis Oriental 1st District Congressman Peter Unabia sa Brgy. Mohon, Tagoloan kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Richard Abao, napuruhan ng tama ng bala sa ulo habang patuloy namang isinasalba ang buhay ng kasamahan nitong guwardiya na si  Esperidion Balaod na nagtamo naman ng sugat sa tiyan.

Sa panayam, sinabi ni Misamis Oriental Police Director P/Sr. Supt. Graciano Mijares, dakong alas- 3 ng madaling-araw  ng mangyari ang panghoholdap sa Anaksiano Sr. Pedro Dressing Plant na matatagpuan sa  Brgy. Mohon, Tagoloan, Misamis Oriental.

Apat sa mga suspek na nagpanggap na mga kustomer ay pumasok sa planta habang dalawa naman ang nagsilbing lookout sa labas.

Nang makuha ng mga suspek ang tiwala ng mga tao sa loob ng planta ay agad nilang tinutukan ng baril ang mga security guard at nilimas ang umaabot P133,132.00 cash mula sa kahera.

Sinabi ni Mijares na ang mga suspek ay armado ng mga baril na kinabibilangan ng caliber .45, 9mm at .38 revolver.

vuukle comment

BRGY

DISTRICT CONGRESSMAN PETER UNABIA

DRESSING PLANT

ESPERIDION BALAOD

GRACIANO MIJARES

MISAMIS ORIENTAL

MISAMIS ORIENTAL POLICE DIRECTOR P

MOHON

RICHARD ABAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with