2 tinodas sa onsehan

BULACAN, Philippines   - Onsehan sa bawal na droga ang sinasabing isa sa motibo kaya napaslang ang dalawang di-kilalang lalaki sa Barangay Minuyan Proper sa San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng umaga.

Kasalukuyan pang ina­alam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang lalaking natagpuan sa bayan ng Norzagaray na may mga tama ng bala ng baril.

Gayon pa man sa follow-up operation ay nasakote ang dalawa sa apat na suspek na sina Christoper Rayo, driver, ng Brgy. Fatima 1, San Jose Del Monte City at Conrad Ramos ng Brgy. Bigte, Norzagaray, Bulacan.

Tugis naman ng pulisya ang mag-asawang suspek na sina Alexis at Rose Tabar­nero na kapwa nakatira sa Brgy. Minuyan Proper, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Nasamsam sa bahay ng mag-asawang Tabarnero ang malaking sachet ng shabu, dalawang digital weighing scale, rolyo ng alluminum foil, mga drug paraphernalias, at 7-bala ng iba’t ibang uri ng baril.

Show comments