Ex-LTO chief itinumba

MANILA, Philippines - Patay ang 70-anyos na dating hepe ng Land Transportation Office (LTO) makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Kalasungay, Malaybalay City, Bukidnon kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Rolando Hernandez. Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, kasalukuyang pinakakain ng biktima ang kaniyang mga alagang kabayo malapit sa bukirin nang sumulpot ang apat na mga armadong kalalakihan at pagbabarilin ito. Ang mga suspek ay mabilis na nagsitakas matapos ang insidente habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments