^

Probinsiya

Turista ninakawan sa Bora

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umaabot sa US$1,600 halaga ng ari-arian ang natangay sa 26-anyos na turistang Hapones matapos pasukin ang tinutuluyang kuwarto habang  nasa di­ving resort sa Boracay Island, Malay, Aklan noong Linggo, ayon sa ulat kahapon.

Sa ipinadalang ulat ng Boracay Special Tourist PNP Office sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Masuzu Tomonaga.

Bandang alas-10:40 ng gabi nang bumalik ang biktima sa Boracay White–Blue Diving Services sa Station 3, Sitio Ambulong sa Brgy. Manoc-Manoc nang madiskubre nitong ninakaw ang kaniyang mga kagamitan.

Kabilang sa mga ninakaw na ari-arian ay ang Olympus digital camera (US$ 600), Sony laptop (US$500) at Apple iphone (US$ 500).

Hindi umano napansin ng mga kawani ng diving resort ang pagpasok ng kawatan sa silid ng biktima kaya naganap ang insidente.

Kabilang sa sinisilip na anggulong ay ang inside job.

AKLAN

BANDANG

BLUE DIVING SERVICES

BORACAY ISLAND

BORACAY SPECIAL TOURIST

BORACAY WHITE

CAMP CRAME

KABILANG

MASUZU TOMONAGA

SITIO AMBULONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with