Kooperatiba pinasabog

BATANGAS, Philippines - Binalot ng tensyon ang mga residente sa Barangay Poblacion 3 matapos sumabog ang granada na inihagis sa harap ng opisina ng Batangas Electric II Cooperative (BATELEC2) sa bayan ng Laurel, Batangas kamakalawa ng madaling araw.

Ayon kay P/Supt. Elpidio Duenas, Batangas PNP spokesman, nawasak ang entrance door at dingding ng Batelec nang sumabog ang granada bandang ala-1:25 ng umaga. Kabilang sa mga ari-arian na nadamay ay ang service vehicle ng naturang kooperatiba pero wala namang nasawi o nasugatan sa nasabing pagsabog habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments