Nagpatayan sa isyung pulitika

CAMARINES NORTE, Philippines  – Pinaniniwalaang nagkapikunan sa isyung pulitika kaya nagtagaan ang magkapitbahay na mister kung saan isa ang nasawi sa Barangay Dagotdotan sa bayan ng San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Umabot sa 16 sugat sa iba’t ibang katawan ang tinamo ng biktimang si Hermon Samson, 34, habang sugatan naman sa kaliwang braso si Arnel Auxillo, 42, kapwa nakatira sa nasa­bing barangay. Sa ulat ni P/Senior Insp. Andy Rosero,  bandang alas-10:30 ng gabi nang magkapikunan sina Samson at Auxillo habang umiinom ng alak sa bahay ni Oscar Paway. Dito na nagkainitan ang dalawa na humantong sa tagaan kung saan napuruhan si Samson habang si Auxillo naman ay ginagamot sa Camarines Norte Provincial Hospital.

Show comments