P1.5-M limas sa pawnshop

OLONGAPO CITY, Philippines — Isa na namang nakawan ang naganap sa Olongapo City matapos pasukin ng mga armadong kalalakihan ang isang pawnshop sa Segunda Bldg. Rizal Avenue sa Barangay East Bajac, Bajac noong Semana Santa. Sa nakalap na ulat ng pulisya, nagawang pasukin ng mga miyembro ng Acetylene Gang ang MB Pawnshop and Jewelry Store na pag-aari ni Maria Mabanta kung saan natangayan ng P1.5 milyong ari-arian. Nadiskubre ang nakawan bandang alas-11 ng umaga noong Semana Santa at kaagad na ipinagbigay-alam ng may-ari sa mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives. Narekober sa pawnshop ang dalawang tangke ng acetylene na ginamit pambukas sa steel doors at safety vault, LPG tank, drill at bareta.

Show comments