41 barangay sa Cagayan binaha

MANILA, Philippines - Umaabot sa 41-barangay sa mga bayan ng Claveria at Santa Praxedes, Cagayan ang binaha sanhi ng mga pag-ulan na nakaapekto sa 4,000-katao, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon. Sa 31 sa kabuuang 41 barangay sa bayan ng Claveria ang binaha kung saan nakaapekto sa 878 pamilya (3,786 katao)  habang 10-barangay naman sa Sta. Praxedes na nakaapekto sa may 338 pamilya. Samantala, napinsala naman ang may 2 ektaryang palayan at 22.5 ektaryang taniman ng gulay. Kaugnay nito, namahagi na ang NDRRMC ng may 1,500 assorted relief  packs sa mga biktima ng pagbaha.

Show comments