^

Probinsiya

NPA camp binomba ng PAF

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nagpakawala ng 14-missile ang turbo-prop strike planes ng Philippine Air Force sa natukoy na pinagkukutaan ng mga rebeldeng New People’s Army sa   kagubatan ng Sitio Nabuntoran, Barangay Sampaguita sa bayan ng Kibawe, Bukidnon kamakalawa.

Ayon sa Army’s re­gional spokesman na si Col. Leopoldo Galon, hindi pa madeterminang bilang ng mga rebelde ang nasawi dahil patuloy pa ang clearing operation ng Philippine Army.

Sinabi ni Galon na umaabot sa 14 high explosive rocket missile ang ibinagsak ng SF 260 Marchetti strike aircraft  ng PAF’s Marchetti strike aircraft ng PAF’s Tactical Operation Group-11 sa lugar dakong alas -5:20 ng umaga.

Ang pagpapaulan ng rocket ay matapos namang makasagupa ng Army’s 8thInfantry Battalion ang grupo ng mga rebelde.

Narekober sa inabandonang kuta ng mga nagpulasang rebelde bitbit ang sugatan nilang kasamahan ay dalawang backpack na naglalaman ng mga dokumentong high intelligence value, sako ng bigas, mga damit, nawasak na M16 rifle at iba pa.

Magugunita na nauna nang inihayag ng Palasyo ng na hindi magpapatupad ng Lenten ceasefire ang tropa ng pamahalaan laban sa mga rebelde.

AYON

BARANGAY SAMPAGUITA

BUKIDNON

LEOPOLDO GALON

NEW PEOPLE

PHILIPPINE AIR FORCE

PHILIPPINE ARMY

SITIO NABUNTORAN

TACTICAL OPERATION GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with