^

Probinsiya

Encounter: sundalo tumba, 3 pa sugatan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Patay ang isang sundalo habang 3 pa ang nasugatan matapos makasagupa ng tropa ng pamahalaan ang hindi pa madeterminang bilang ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa magkakahiwalay na lugar sa Magpet, North Cotabato at Barobo, Surigao del Sur, ayon sa militar kahapon.

 Sinabi ni AFP-Eastern Mindanao Command Spokesman Col. Leopoldo Galon  dakong alas- 11:45 ng tanghali kamakalawa ng masabat ng Alpha Company ng Army’s 57th Infantry Battalion (IB) ang grupo ng mga rebelde sa pamumuno ng isang alyas Ka Totoy Dako.

Sinabi ni Galon na kasa­lukuyang nagsasagawa ang tropa ng mga sundalo ng security patrol operations ng makasagupa ang mga rebelde na ikinasawi ng isang sundalo na hindi muna nito tinukoy ang pagkakakilanlan habang nagsiatras naman ang mga kalaban matapos ang mahigit isang oras na putukan.

Samantala, iniulat naman ni Army’s 4th Infantry Division Spokesman Major Eugenio Julio Osias IV ang pagkasugat ng dalawang sundalo at isang pulis sa engkuwentro sa Sitio Sinai, Brgy. Tambis, Barobo, Surigao del Sur kamakalawa dakong alas-12:21 ng hapon.

Ayon sa opisyal, isinugod na sa pagamutan ang mga sugatang biktima na tinukoy lamang nitong sina Pfc Calabroso, Pfc Bautista at PO1 Cubillan habang pagkaraan ng 43 minuto ay nagsitakas naman ang mga rebelde bitbit ang mga sugatan sa kanilang panig.

vuukle comment

ALPHA COMPANY

BAROBO

EASTERN MINDANAO COMMAND SPOKESMAN COL

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION SPOKESMAN MAJOR EUGENIO JULIO OSIAS

KA TOTOY DAKO

LEOPOLDO GALON

NEW PEOPLE

NORTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with