Mag-ina nalunod sa creek

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  – Kamatayan ang sumalubong sa mag-inang tumatawid sa creek matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig sa Barangay Barcelona sa bayan ng Cabusao, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang mag-ina na sina Antonette Miserilla, 30 at Errol John Miserilla, 6, kapwa nakatira sa Sitio Kumunal, Barangay Anib sa bayan ng Sipocot. Ayon sa ulat, bandang alas-5 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng mag-inang nakahandusay sa dalampasigan.

Show comments