Nag-amok sa birthday, dinedo

CAMARINES NORTE, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa 48-anyos na mister na sinasabing nag-amok sa kaarawan ng kanyang kapitbahay matapos barilin ng 36-anyos na lalaki sa Purok 4, Barangay Tawig, Paracale sa Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Sa ulat ni P/Chief Insp. Arnulfo Selencio,  kinilala ang napatay na si Arnel Evangelista habang sumuko naman ang suspek na si Lopher Sureta na kapwa nakatira sa nasabing barangay. Base sa police report, nagdaraos ng birthday ang suspek nang mag-amok ang biktima kung saan pinagtataga ang pintuan ng una bandang alas 5:30 ng hapon. Gayon pa man, nagpaputok ng baril sa ere ang suspek bilang warning shot subalit nagpatuloy pa rin sa pagwawala ang biktima. Dito na binaril ng suspek ang biktima kung saan tinamaan sa tiyan.

Show comments