Mag-utol na akyat-bahay, tiklo

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng mag-utol na sinasabing miyembro ng Akyat-Bahay Gang makaraang masakote ng mga operatiba ng pulisya sa kanilang pinagkukutaan sa Barangay Banga, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng madaling araw. Pormal na kinasuhan ni P/Supt. Hector Samar ang magkapatid na suspek na sina Ricky Raga, 21; at Ramon Raga, 20, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Ang mag-utol ay isinasangkot sa nakawan sa Generic Pharmacy na pag-aari ni Joel San Diego ng Brgy.San Jose sa bayan ng Bulakan at sa Drug Check Phils. Drug Testing Center na kinakatawan ni Bellalyn Belza ng Brgy. Saog sa Marilao, Bulacan.

Show comments