^

Probinsiya

Tulak dakma sa 8 kilong 'damo'

- Ni Alex Galang -

OLONGAPO CITY ,Philippines  – Rehas na bakal ang binagsakan ng 34-anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng 8-kilong pinatuyong dahon ng marijuana sa inilatag na buy-bust operation ng mga operatiba ng pulis-Gapo at Philippine Drug Enforcement Agency sa terminal ng bus sa Barangay Bajac-Bajac, Olongapo City kahapon.

Pormal na kinasuhan ni P/Senior Insp. Julius Jimenez ng Olongapo City Anti-Illegal Drugs Operation ang suspek na si Jaime Paul Bagay, tubong Kalinga, Apayao at pansamantalang naninirahan Barangay Balaybay, Castillejos.

Si Bagay ay nasamsaman ng walong bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana kung saan tumitimbang ng walong kilo at may street value na P80,000.

Pinaniniwalaan naman ipapakalat ng suspek ang kilu-kilong marijuana sa ilang bahagi ng Olongapo City at karatig pook.

Nabatid kay Agent William Dulay ng PDEA Team Subic, matagal na nilang sinusubaybayan ang suspek kung saan ang pinakahuli ay ang biyahe nito mula sa Baguio City.

Nagpanggap na poseur-buyer ang isang PDEA agent at umorder ng 1- kilong marijuana sa suspek kaya nadak­ma.

vuukle comment

AGENT WILLIAM DULAY

BAGUIO CITY

BARANGAY BAJAC-BAJAC

BARANGAY BALAYBAY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS OPERATION

JAIME PAUL BAGAY

JULIUS JIMENEZ

OLONGAPO CITY

SENIOR INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with