Sayyaf kidnaper arestado

MANILA, Philippines - Kalaboso ang binagsakan ng isa sa notoryus na kidnaper ng mga bandidong Abu Sayyaf Group matapos madakma ng mga awtoridad sa inilatag na operasyon sa Barangay Recodo, Zamboanga City, ayon sa opisyal kahapon. Sumasailalim na sa tactical interrogation ang suspek na si Abdul Wahab Hamja, alyas Amja. Hindi na nakapalag ang suspek na sinasabing isa sa mga tauhan ni Abu kumander Radulan Sahiron matapos na mapalibutan ng arresting team ng pulisya.  Ang suspek ay may nakabinbing warrant of arrest kaugnay ng pagdukot sa anim na miyembro ng Jehovah Witnesses sa Sulu noong Agosto 2002.

Show comments