3 pinabulagta sa Cavite

CAVITE  ,Philippines - Tatlo-katao ang iniulat na napaslang sa panibagong karahasang naganap sa magkakahiwalay na bayan sa lalawigan ng Cavite kamakalawa. Si Audonel Micosa, 32, ay sinaksak at napatay ng suspek na si Jovanie “Jojo” Adolfo matapos ang mainitang pagtatalo sa Barangay Anahaw 2 sa bayan ng Silang, Cavite kamakalawa ng gabi. Samantala, si Arjay Basa na sinasabing nagpapahinga sa loob ng bahay ay binoga ng ‘di-kilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa Barangay Sapa 2, Rosario. Sumunod na napaslang ang electrician ng Analog Devices Gateway Business Park na si Danilo Orada na pinagsasaksak ng ‘di-kilalang lalaki sa bakanteng lote sa Barangay Javalera sa bayan ng General Trias, Cavite kahapon ng madaling-araw.

Show comments