Stude niluray ng senglot

BULACAN, Philippines – Nawasak ang pagkababae ng 17-anyos na estudyanteng babae matapos halayin ng kanyang kapitbahay na senglot kamakalawa ng madaling-araw sa Barangay Lambakin sa bayan ng Marilao, Bulacan. Base sa ulat na nakarating kay P/Supt. Gerardo Andaya, bandang alas-2 ng madaling-araw nang magising ang biktima dahil sa pagkatok ng suspek na si Paul Bencis, 30. Nang buksan ng biktima ang pintuan ng kaniyang bahay ay bumulaga ang suspek na senglot at may hawak na patalim. Hindi na nakapalag ang dalaga at naisagawa ang maitim na balak. Tugis naman ng pulisya ang suspek matapos magreklamo sa himpilan ng pulisya ang dalaga.

Show comments