Coed binoga sa labas ng campus

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Patawirin ang buhay ng 24-anyos na college student matapos barilin ng riding-in- tandem gunman sa labas ng campus sa Barangay Victory Norte, Santiago City, Isabela kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Insp. Alex Tamang ang biktima na si Marlon Almario, 1st year college sa kursong Hotel and Restaurant Management ng STI-Santiago.

Ayon kay Tamang, kasalukuyang bumibili sa tindahan ang biktima sa

tapat ng kanilang campus nang lapitan at barilin sa likurang bahagi ng ulo.

Agad na tumakas ang gunman lulan ng motorsiklo na nag-aabang naman sa kabilang kalsada matapos ang pamamaril.

Sinisilip naman ng mga imbestigador ng pulisya na love triangle ang isa sa motibo ng pamamaril.

Show comments