Katiwala sa farm pinabulagta

BULACAN, Philippines – Binaril at napatay ang 42-anyos na katiwala sa duck farm sa isa namang karahasang naganap sa Barangay Batasang Bata sa bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng gabi. Namatay habang ginagamot sa ospital si Rolando Ortega habang naaresto naman ang suspek na si Richard “Balat” Felipe, 28, kapwa nakatira sa Brgy. Batasang Matanda. Lumilitaw na natutulog ang biktima sa kanyang barrack nang pasukin at barilin ng suspek dakong alas -10:40 ng gabi. Bago malagutan ng hininga ang biktima ay nasambit nito ang pangalang ng suspek kaya kaagad naman nasakote ng pulisya. Lumilitaw na naputulan ng linya ng kuryente ang bahay ng suspek at sa pag-aakalang ang nasa loob ng barrack ay ang may-ari ng farm ay agad nitong binoga. Dino Balabo at Boy Cruz

Show comments