Ambulance vs van: 2 dedo, 6 sugatan

MANILA, Philippines - Dalawang driver ang iniulat na nasawi habang anim naman ang nasugatan matapos magbanggaan ang ambulansya at van sa kahabaan ng highway sa Barangay Busilac sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya noong Lunes ng gabi.

Kinilala ni P/Chief Insp.Warlito Jagto, hepe ng PNP sa Bayombong ang mga nasawi na si Warlito Bitantes ng Santiago City, driver ng van; at ang driver ng ambulansya na si Eduardo Juan, 49, na kapwa namatay sa Veterans Regional Hospital.

Sugatan naman sina Jomer Rivares, Charles Busto at Felix Cupamora na kapwa lulan ng ambulansya (SCD 5757); at ang mga lulan ng van (RSD 888) na sina Jun Almendra, Fernando Batarao Jr. at Elen Batarao.

Nabatid na patungong Metro Manila  ang ambulansya na may susunduing kamag-anak ng isa sa mga nasugatang biktima nang nakasalubong ang van na sinasabing nang –agaw ng linya kaya naganap ang trahedya bandang alas-8:40 ng gabi. Raymund Catindig at Joy Cantos

Show comments