MANILA, Philippines - Umaabot sa P8 milyong halaga ng ari-arian ang sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos salakayin ang quarry site sa Barangay Danao, Surigao City kamakalawa ng umaga. Ayon kay Army’s 4th Infantry Division spokesman Col. Eugenio Julio Osias IV, wala namang nagawa ang mga bantay at kawani sa quarry site na pag-aari ni Felix Chua matapos na tutukan ng baril ng mga rebelde.Agad na binuhusan ng gasolina ang mga payloader, dump truck at iba pang heavy equiptment saka sinilaban hanggang sa maglagablab.Matapos ang pananabotahe ay mabilis na nagsitakas ang mga rebelde. Pinaniniwalaang may kinalaman sa revolutionary tax na hinihingi ng mga rebelde na tumanggi naman ang may-ari ng kompanya.