^

Probinsiya

3 dedo sa killer truck

- Nina Dino Balabo, Boy Cruz -

BULACAN ,Philippines —Tatlo-katao ang iniulat na nasawi habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang suyurin ng dump truck ang ibang sasakyan sa Barangay Caniogan sa bayan ng Calumpit, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga namatay na sina Romnick Aguilar, driver ng truck; Ramil Anade, pasahero ng truck; at ang tricycle driver na si Avelino Catargo.

Naisugod naman sa Bulacan Medical Center ang mga sugatang sina Alfredo Aguiarna at Danny Balmaceda, isa sa mga humabol sa dump truck.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Manuel Santos, hepe ng pulisya ng Calumpit, lumilitaw na binato ni Aguilar ang batang si Renza Daban sa Barangay Dampol sa bayan ng Pulilan.

Tinangkang kumprontahin ng ilang kalalakihan si Aguilar subalit agad itong sumakay sa kanyang dump truck (RKX-243) saka pinaharurot.

Hinabol naman ng mga kalalakihang lulan ng isa pang truck ang sasakyan ni Aguilar kung saan pagsapit sa nabanggit na barangay ay nagkarambola ang dalawang trak at nadamay ang traysikel.

Tumakas naman ang tatlong kasama ni Aguilar upang iwasan ang galit ng taumbayan.

vuukle comment

AGUILAR

ALFREDO AGUIARNA

AVELINO CATARGO

BARANGAY CANIOGAN

BARANGAY DAMPOL

BULACAN MEDICAL CENTER

CALUMPIT

DANNY BALMACEDA

MANUEL SANTOS

RAMIL ANADE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with