^

Probinsiya

Mayor kakasuhan sa pamamaril

-

MANILA, Philippines - Nalalagay sa balag ng alanganin ang alkalde sa bayan ng Capalonga matapos na walang habas na magpaputok ng baril sa harapan ng himpilan ng pulisya sa lalawigan ng Camarines Norte kamakalawa ng mada­ling araw.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Joselito T. Esquivel Jr, PNP provincial director na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang opisyal na sina Capa­longa Mayor Senandro M. Jalgalado.

Sa pahayag ni PNP spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., bandang alas-2:15 ng madaling araw nang maganap ang insi­dente sa Barangay Poblacion 1 kung saan isinabay ang pagpapaputok ng baril sa fireworks sa ginanap na coronation night.

Nabatid na inutusan ng nasabing alkalde ang hepe ng pulisya na si P/Senior Insp. Rodel Pili na magdala ng ilang pulis sa bahay ng opisyal subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi agad nakapagpadala.

Sinasabing nagalit si Mayor Jalgalado kung saan limang beses na nagpaputok ng baril bandang alas-11:50 ng gabi.

Wala namang nasugatan sa nasabing pamamaril kung saan mabilis na umalis ang nasabing alkalde matapos ang insidente.

Sinabi ni Cruz na pinaiimbestigahan na niya kay P/Senior Supt. Esquivel ang kontrobersyal na pamama­ril ng alkalde.

Samantala, inihahanda na rin ang kasong kriminal at administratibo laban sa halal na opisyal. Francis Elevado at Joy Cantos

AGRIMERO CRUZ JR.

BARANGAY POBLACION

CAMARINES NORTE

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

ESQUIVEL JR

FRANCIS ELEVADO

JOSELITO T

JOY CANTO

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with