Magsyota dedo sa road mishap

MANILA, Philippines - Napaaga ang kamatayan ng magkasintahang estu­dyante makaraang sumempalang ang kanilang motorsiklo sa highway ng Barangay Binsang sa bayan ng Pasuquin, Ilocos Norte kahapon ng madaling-araw.

Idineklarang patay sa ospital ang magsyotang Crisante Agbayani at Charisse Ma­tias  na nagtamo ng matitinding sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, pauwi na ang da­lawa mula sa birthday party nang mawala sa control at sumemplang ang kanilang motorsiklo pagsapit sa kurbadang highway.

Tumilapon ng may ilang metro ang dalawa saka bu­magok ang ulo sa semento. May teorya ang pulisya na nakainom ang lalaking nagmamaneho ng motorsiklo kaya naganap ang trahedya.

Show comments