Bomba sa airport nadiskubre

MANILA, Philippines - Nagulantang ang mga pasahero at mga kawani sa Kalibo International Airport sa Aklan matapos madiskubre ang bomba sa LBC cargo area kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat, sinabi ni PNP Spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., ang improvised explosives device ay nakasilid sa LBC pouch sa LBC cargo area.

Nabatid na napansin ng ilang security guard ang kakaibang pouch kaya agad itong ini-report sa K9 Aviation and Security Group at Aklan PNP office. 

Agad namang rumesponde ang mga awtoridad kung saan nadiskubreng pampasabog na dinala at idinetonate sa NIA compound bago pa man makapinsala.

Nabatid pa na ang package ay naka-consign sa pa­ngalang Michael Agravante na may address sa Kalawag 3, Isulan, Sultan Kudarat habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments