Manyak nagbigti sa selda

QUEZON ,Philippines  – Pinaniniwalaang nakonsensya kaya nagdesisyong magbigti ng 37-anyos na tatay na nakulong dahil sa panggagahasa sa kanyang anak na babae kamakalawa ng hapon sa Barangay Poblacion sa bayan ng Dolores, Quezon. Ayon kay PO2 Raymund Tan Ramos, katatapos lamang ng seminar sa mga residente nang matuklasan ang nakabitin sa window grill ng selda si Alfredo Patulot ng Barangay Sta Lucia. Lumilitaw na nakulong si Patulot noong Linggo (Peb. 26) dahil sa reklamo ng kanyang misis matapos nitong gahasain ang anak noong Sabado (Peb. 25) sa loob ng kanilang bahay. Subalit kinakitaan ng pagkabalisa si Patulot habang nakapiit kung saan sinasabing inusig ng budhi sa ginawa sa kanyang anak kaya nagpakamatay.

Show comments