Magkaibigan niratrat sa resto

BATAAN, Philippines – Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamata­yan ang magkaibigang lalaki matapos ratratin ng ‘di-kilalang lalaki sa Kambingan Restaurant sa Barangay Sta. Isabel sa bayan ng Dinalupihan, Bataan kamakalawa ng madaling-araw. Kinilala ni P/Senior Supt. Ricardo Zapata Jr. ang mga biktima na sina Jonathan Velasco, 30, ng Barangay Calungusan, Orion at Airem Bongco, 29, ng Barangay San Ramon, Dinalupihan. Nabatid na magkasamang kumakain ang dalawa nang lapitan at ratratin bandang alas-4:10 ng madaling-araw. Mabilis na tumakas ang gunman lulan ng puting Mitsubishi Adventure patu­ngong bayan ng Floridablanca Pampanga. Naisugod ang magkaibigan sa Jose Payumo Medical Center kung saan inilipat sa Jose Lingad Hospital sa bayan ng Lubao, Pampanga dahil sa maselang kalagayan.

Show comments